In times of need and sa mga panahon na emergency at madaming tao ang nangangailangan ng kausap since walang kuryente and phone lines (PLDT), chaka sila mawawalan ng services/signal. Saturday – Sunday halos wala akong signal. Hindi lang ako pero lahat kami sa bahay. Parang circa 1998 dahil nagpupunta pa ako sa terrace para makakuha ng signal just in case I needed to contact friends who I think need of help (those residing in the Cainta/marikina areas). Iniiwan ko pa ang phone ko sa may terrace para lang maka receive ng delayed messages (I had 23 messages nung Sunday night alone) mostly coming from my manager/s checking up on me (since I also live in Cainta).
What is wrong with you Globe? 11 years na akong subscriber hindi ka parin nagbabago. Nung Milenyo 2007, ganyan ka din, wala ka ding signal. Nung kelangan ko tawagan magulang ko to inform them I was ok sa condo (nakatira ako sa Taft nun) but we didn’t have enough food nor water nor electricity. Para kaming yagit pero ok lang.
Sana mas napadali ang communication and less worries ang naramdaman ng ibang magulang/anak pag kelangan nila malaman na nasa safe na kondisyon ang kani-kanilang kaanak.
buti pa daw ang SMART, may signal the whole time nung weekend. Malas lang kasi lahat kami sa bahay naka-Globe so lahat kami hirap sa signal.
Good thing talaga lahat kami nasa bahay nung weekend.
Salamat sa papa ko na napagkasya ang natitirang laman ng ref namin for 6 meals
Salamat sa Filinvest dahil hindi kami nawalan ng kuryente
Salamat sa local channels (2 and 7) sa up to date news sa mga nangyayari nung weekend
Salamat sa hotline na natawagan ko (for Kai’s situation) kasi kahit na alam kong madami na ang tumatawag sa kanila, hindi siya nagsungit..mabait sha and naguupdate talaga (kasi tinawagan ko ulit to check)
Salamat dahil lahat ng kilala ko ay safe. THank God talaga